72-year-old na lalaki arestado sa pagbabantang patayin ang kapitbahay dahil sa ingay

Inaresto ng pulisya sa Asahikawa, Hokkaido, noong Linggo ang isang 72-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pananakot na papatayin ang kapitbahay na nakatira sa itaas niya sa isang municipal apartment building pagkatapos ng magtalo dahil sa ingay. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

HOKKAIDO

Inaresto ng pulisya sa Asahikawa, Hokkaido, noong Linggo ang isang 72-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pananakot na papatayin ang kapitbahay na nakatira sa itaas niya sa isang municipal apartment building pagkatapos ng magtalo dahil sa ingay.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:20 ng gabi.  sa Sabado.  Sa ulat ng local media, umakyat ang suspek at kinalampag ang pinto ng isang lalaking nasa edad 70.  Nang mabuksan ang pinto, sinabi niya sa lalaki na papatayin niya ito maliban na lang kung tumigil siya sa pagiingay.  Pagkatapos ay bumaba siya sa kanyang sariling apartment.

Tumawag ng pulis ang binantaang lalaki na ikinulong ang suspek para sa pagtatanong.  Sinipi ng mga pulis ang suspek na laging nag-iingay ang kanyang kapitbahay sa itaas at umabot na sa puntong hindi na niya nakayanan.
Hindi idinetalye ng pulisya kung ano ang “ingay” na dahilan.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund