Isang lalaking Pakistani arestado, sa suspetsang sexual assault

Tinangka umano niyang molestiyahin ang babae na nasa edad na 30 sa kanyang tahanan sa Akishima City, Tokyo, noong Nobyembre at nasugatan ang likod nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang Pakistani part-time na guro sa pampublikong paaralan dahil sa hinalang pagtatangkang sekswal na pananakit sa isang babae.

Sinabi ng pulisya na ang 28 taong gulang na si Shah Syed Qasid Ali, na nagtuturo ng Ingles sa isang elementarya sa Tokyo, ay itinatanggi ang mga paratang.

Tinangka umano niyang molestiyahin ang babae na nasa edad na 30 sa kanyang tahanan sa Akishima City, Tokyo, noong Nobyembre at nasugatan ang likod nito. Nakatakas naman agad ang ginang at nagtungo sa malapit na istasyon ng pulisya at iniulat ang insidente.

Sinabi ng pulisya na nakilala ng lalaki ang babae sa pamamagitan ng isang app sa pag-aaral ng wika habang naghahanap ng kapareha sa pag-uusap.
Nagkita raw ang dalawa nang personal sa unang pagkakataon sa araw ng insidente.
Sinabi rin ng pulisya na may isa pang babae ang nagsalita ng kaperahong insidente laban sa lalaki.

Source: NHK World Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund