Isang babae ang sinaksak hanggang sa mamatay sa Amagasaki, suspek tumakas gamit ang isang motor

Ayon sa mga pulis, isang lalaking naka-itim na hindi naka-suot ng helmet ang namataan sa isang security camera footage ang pumasok sa nasabing lugar sa parking area bago mangyari ang insidente at kalaunay nakita rin na tumakas.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang babae ang sinaksak hanggang sa mamatay sa Amagasaki, suspek tumakas gamit ang isang motor

Natagpuan si Sayaka Morimoto na naka-handusay at puro saksak sa kanyang likuran malapit sa bicycle parking area ng kanyang tirahan, ayun sa mga imbestigador, pinaniniwalaan na magka-kilala ang biktima at suspek. Isang delivery man ang tumawag ng ambulansiya bandang alas-8:20 ng gabi at nag-sabi na may isang lalaki na nasa kanyang 20s o 30s ang sumasaksak sa isang babae.

Si Morimoto na isang medical clerk, ay isinugod sa isang ospital ngunit kalaunan ay ipinahayag na pumanaw na, ayon sa mga pulis. Sinabi rin ng mga ito na walang nakitang patalin sa lugar na piangyarihan ng krimen.

Ayon sa mga pulis, isang lalaking naka-itim na hindi naka-suot ng helmet ang namataan sa isang security camera footage ang pumasok sa nasabing lugar sa parking area bago mangyari ang insidente at kalaunay nakita rin na tumakas.

Ayon sa mga lokal na residente at iba pang mga naka-kita, maraming dugo ang makikita sa daanan, na nag-sasabi na si Morimoto na naninirahang mag-isa sa apartment ay nasaksak sa lugar.

Sinabi ng mga pulis na nakuha na nila ang motor scooter na may mga bahid ng dugo na siyang ginamit ng suspek.

Ayon sa mga awtoridad, pinaniniwalaang inatake si Morimoto pagka-rating sa kanyang tahanan, idinagdag nila na nakita ang backpack ng biktima na nag-lalaman pa ng kanyang drivers license at iba pang personal na gamit malapit sa crime scene.

Ang apartment ay malapit sa Route 2 ng lungsod na may 350 metro kalayo mula sa Hanshin Electric Railway Amagasaki Station.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund