Olympic worker, arestado sa umano’y panggagahasa ng babae sa stadium

Inaresto ng pulisya ang isang University student na mula sa Uzbekistan noong Linggo dahil sa hinala na ginahasa ang isang babaeng Japanese habang ang dalawa ay nagtatrabaho ng part time sa National Stadium para sa paparating na Tokyo Olympics. #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspOlympic worker, arestado sa umano'y panggagahasa ng babae sa stadium

TOKYO

Inaresto ng pulisya ang isang University student na mula sa Uzbekistan noong Linggo dahil sa hinala na ginahasa ang isang babaeng Japanese habang ang dalawa ay nagtatrabaho ng part time sa National Stadium para sa paparating na Tokyo Olympics.

Si Davronbek Rakhmatullaev, 30, isang part-time Olympic worker na pumasok sa stadium upang magbigay ng pagkain sa mga reporters, ay pinaghihinalaang sekswal na inabuso ang babae na nasa kanyang 20s sa mga bench at sa isang aisle sa venue dakong alas-9 ng gabi. Biyernes, sinabi ng pulisya.

Itinanggi ng suspek ang paratang, kasama ang pagspagtanggi sa pulisya  na sinabing hindi naman nanlaban ang babae, ibig sabihin ay consensual. At hindi daw magkakilala ang dalawa bago ang insidente.

Ang babae ay nag-sumbong sa pulisya noong Sabado na siya ay ginahasa ng suspek matapos nilang mapanood ang isang ensayo ng closing ceremony ng olympics sa stadium.

Ang suspek ay pumasok sa Japan noong 2014 at kasalukuyang nasa bakasyon mula sa isang unibersidad sa Aichi Prefecture, gitnang Japan, sinabi ng pulisya. Pinaniniwalaang nanatili siya sa isang hotel sa Tokyo upang magtrabaho sa stadium.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund