Lalaki sa Chiba, inamin ang pag-patay sa mahigit na 100 pusa

Nuong taong 2003, siya ay binigyan ng lisensiya na makapag-dala ng air gun para sa pangangaso.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA (TR) – isang 49 anyos na lalaki na inakusahan sa pamamaril sa dalawang pusa gamit ang isang air gun sa magka-ibang insidente, ay umamin sa ilan pang dosena na insidente ng pamamaril, isiniwalat ng mga pulis sa TV Asahi nuong July 15.

“Naka-patay na ako ng mahigit sa 100 pusa,” sinabi ni Yuichiro Hirata, isang part-time employee, sa mga pulis.

Sa pinaka-bagong alegasyon, inakusahan ng mga pulis ang suspek sa pamamaril ng paa ng isang pusa sa parking lot sa Yachiyo City nuong buwan  ng Nobyembre.

Ang pellet ay nag-sanhi ng pagka-bali sa buto ng pusa, ani ng pulis.

“Nakaramdam ako na naka-bihag ako ng isang mahinang pusa,” ani ng suspek.

&nbspLalaki sa Chiba, inamin ang pag-patay sa mahigit na 100 pusa
Yuichiro Hirata (Twitter)

Mga patay na pusa na may pellet sa kanilang mga katawan

Nuong nakaraang buwan, unang inaresto ng mga pulis si Hirata dahil sa pamamaril at pag-patay sa isang pusa sa isang housing complex sa lungsod nuong nakaraang Disyembre.

Si Hirata ay naninirahan sa Wakaba Ward ng Chiba City. Nuong taong 2003, siya ay binigyan ng lisensiya na makapag-dala ng air gun para sa pangangaso.

Mula nuon, marami nang patay na pusa na may air gun pellet sa kanilang katawan ang natagpuan malapit sa mga residential area sa Chiba City.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund