Vaccine Minister, binakunahan na ng unang dose

Ang desisyon ay nasa tao kung siya ay magpapa-bakuna ngunit hinikayat niya ang mga tao na huwag kutyain ang mga tao na piniling hindi magpa-bakuna.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspVaccine Minister, binakunahan na ng unang dose

Ang ministrong naka-talaga sa vaccine rollout ng Japan ay natanggap na ang kanyang unang bakuna. Habang isinasa-gawa ang workplace vaccination sa mga government offices at mga kumpanya sa buong bansa.

Binakunahan si Kono Taro nitong Lunes sa isang gusali na ginamit bilang tanggapan ng dating education ministry sa Tokyo, Kasumigaseki district. Mahigit 10,000 kawani ng pamahalaan ang inaasahang mabakunahan sa nasabing lugar. Karamihan rito ay ang mga naka-talaga sa crisis management at disaster preparedness.

Ang ministro ay nag-suot ng tradisyunal na short sleeved shirt mula sa Okinawa para mapadali ang pag-babakuna ng medical worker sa kanya.

Sinabi ni Kono sa mga reporters na hindi ito masakit at mabuti naman ang kanyang pakiramdam. Idinagdag pa niya na ang pag-babakuna sa mga trabahuhan ay importe para sa revitalization ng ekonomiya.

Sinabi rin ni Kono na ang ibang tao ay hindi mababakunahan dahil sa allergic reactions o sa iba pang dahilan.

Ayon din sa ministro, ang desisyon ay nasa tao kung siya ay magpapa-bakuna ngunit hinikayat niya ang mga tao na huwag kutyain ang mga tao na piniling hindi magpa-bakuna.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund