Sinimulan na ang pag-babakuna sa mga Pulis at Bumbero sa Tokyo

Ang Tokyo Metropolitan Government ay maaari lamang gamitin ang lugar para sa pag-babakuna hanggang katapusan ng Hunyo, bago pa simulan ang preparasyon para sa Pambasang Palaro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSinimulan na ang pag-babakuna sa mga Pulis at Bumbero sa Tokyo

Nag-simula nang maka-tanggap ng bakuna para sa coronavirus ang mga Pulis at mga Bumbero nuong Martes sa isang site na dating bentahan ng pagkain.

Ang mga personnel mula sa mga organisasyon kabilang ang Tokyo Metropolitan Police Department at Tokyo Fire Department ay natanggap ang kanilang paunang-bakuna sa Tsukiji sa Chuo Ward. Sila ay inobserbahan sa loob ng isang naka-park na bus kung sakaling sila ay makaranas ng epekto mula sa tinanggap na bakuna.

Ang dating pamilihan ay gagamitin bilang isang transportation depot sa panahon ng Tokyo Olympic and Paralympic Games.

Ang Tokyo Metropolitan Government ay maaari lamang gamitin ang lugar para sa pag-babakuna hanggang katapusan ng Hunyo, bago pa simulan ang preparasyon para sa Pambasang Palaro.

Plano ng Metropolitan Officials na mag-administer ng unang ineksyon sa 5,000 katao kada araw, at ma-bakunahan ang mahigit 110,000 katao.

Mula sa buwan ng Hulyo, plano ng mga opisyales na mag-set-up na prefabricated facilities sa Yoyogi Park sa Shibuya Ward upang maisa-gawa ang ikalawang pag iineksyon ng bakuna.

Nag-pahayag ang isang bumbero nang siya ay naka-tanggap ng kanyang paunang ineksyon ng bakuna, na determinado siyang hindi maka-hawa ng impeksyon kanino man habang isinasa-gawa ang kanyang katungkulan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund