Pamahalaan ng Japan, sinimulan nang mag-bakuna sa mga empleyado ng gobyerno

Kinukonsidera rin ng Defense Ministry na mag-bakuna sa mga taong nag-eedad ng 64 anyos pababa, lalo na sa mga taong mayroon nang pre-existing conditions at mga mang-gagawa sa mga pasilidad ng mga nakatatanda. Ngunit ito ay mag-dedepende sa availabilities ng mga large-scale inoculation centers.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPamahalaan ng Japan, sinimulan nang mag-bakuna sa mga empleyado ng gobyerno

Ipinahayag ng Defense Ministry ng Japan na plano nitong bakunahan na ang mga personnel ng Self-Defense, Police at iba pang public servants na mga naka-talaga sa crisis management sa malalaking inoculation center sa Tokyo.

Inaasahan ng ministeryo na mag-simulang mag-bakuna sa mga public servant mula sa Tokyo at sa tatlo sa katabing prepektura nito sa Lunes. Kabilang rin sa mga babakunahan ang mga Coast Guard officers.

Ang plano ay mapa-finalized sa Lunes ng umaga. Ito ay matapos magkaroon ng ilan pang slot sa mga malalaking inoculation center.

Ang pasilidad ay binuksan nuong nakaraang buwan upang mapa-bilis ang pag-babakuna para sa mga residenteng nag-eedad ng 65 anyos  pataas, sa kapitolyo at mga katabi nitong mga prepektura.

Ngunit nitong Linggo, aabot pa ng 98,000 slots ang nananatiling available para sa period ng pagitan ng Lunes hanggang ika-27 ng Hunyo.

Ito ay sa kabila nang pagpapa-lawak ng mga target area sa pag-tanggap ng mga aplikanteng nais magpa-bakuna sa buong bansa, at pagkuha ng mga reservations hindi lamang online at pati na rin sa pamamagitan ng pag-tawag sa telepono.

Kinukonsidera rin ng Defense Ministry na mag-bakuna sa mga taong nag-eedad ng 64 anyos pababa, lalo na sa mga taong mayroon nang pre-existing conditions at mga mang-gagawa sa mga pasilidad ng mga nakatatanda. Ngunit ito ay mag-dedepende sa availabilities ng mga large-scale inoculation centers.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund