Namatay ang isang pasyente na may COVID-19 sa Kyoto, matapos sa maling pag-basa sa Blood Oxygen result nito

Bilang tugon sa insidente, sinuspinde ng Kyoto Prefectural Government  ang pag-gamit ng mahigit 50 pirasong pulse oximeter na may display-change function.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspNamatay ang isang pasyente na may COVID-19 sa Kyoto, matapos sa maling pag-basa sa Blood Oxygen result nito
Isang pulse oximeter na katulad nang nasa larawan ay maling nabasa ng isang nurse. Ang larawan ay ibinahagi ng Kyoto Prefectural Government.

KYOTO — isang lalaki na nasa kanyang 60’s na may coronavirus at nananatili sa isang recovery facility sa Prepektura ng Kyoto ang namatay matapos magkamali ng pag-basa ang nurse sa mga imahe ng kanyang kritikal na blood oxygen concentration readings na ipinadala sa pamamagitan ng mobile phone, ipinahayag ng Kyoto Prefectural Government nuong ika-8 ng Hunyo.

Naisiwalat na hindi matawagan sa telepono ang lalaki sa loob ng mahabang oras, naging mabagal ang personal na pagchi-check ng nurse sa lalaki. Humingi ng paumanhin ang pamahalaan ng prepektura sa pamilya ng pumanaw na biktima.

Ayon sa prefectural government, ang lalaki ay na-admit sa isa sa mga recovery accommodation facilities nila nuong ika-20 ng Mayo. Duon ay gumamit siya ng pulse oximeter na naka-lagay sa isang elevator hall upang masukat ang kanyang blood oxygen concentration. Matapos masukat, ang lalaki ay ipapadala ang litrato ng resulta sa kanyang nurse sa pamamagitan ng free messaging app Line.

Ngunit nahirapan na siyang maka-lakad sa nasabing hallway, at binigyan siya ng sariling unit upang ma-sukat ang kanyang blood oxygen sa kanyang kwarto. Nuong ika-25 ng Mayo, kinuhanan niya ng litrato ng tatlong beses ang resulta at ito ay ipinadala niya sa nasabing nurse.

Upang mapahintulutan na makita ang resulta mula sa kabilang user, isang button sa device ay maaaring mai-switch ang resulta ng blood oxygen  at pulse nangpa-baliktad.

Nagkamali ng pag-basa ang nurse sa pulse rate ng lalaki sa kanyang blood oxygen, na siyang nag-kamali sa pag-susulat ng note  na 92%, 98% at 95%. Ngunit ang blood oxygen concentration nito ay nasa 76%, 72% at 52%– na siyang nangangailangan ng madaliang pag-dadala sa pagamutan. Ang mga imaheng ipinadala ay medyo madilim ayon sa mga ulat, na siyang nag-pahirap lalo sa pag-kumpirma nito.

Nuong umaga ng ika-26 ng Mayo, ang nurse ay nag-tangkang tumawag rito ng pitong beses, ngunit hindi ito matawagan. Nang ito ay kanilang puntahan kinahapunan, natagpuang ito ay nakahandusay sa kanyang higaan. Agad na itong isinugod sa ospital kung saan itong kinumpirmang wala ng buhay.

Bilang tugon sa insidente, sinuspinde ng Kyoto Prefectural Government  ang pag-gamit ng mahigit 50 pirasong pulse oximeter na may display-change function.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund