Nagkaroon ng pamamaga ng puso ang ilang nagpa-bakuna sa Japan

May mga nai-ulat rin na mga kaso ng pamamaga ng puso sa Estados Unidos ng mga taong nakatanggap ng bakuna na gawa ng Pfizer o Moderna vaccine.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNagkaroon ng pamamaga ng puso ang ilang nagpa-bakuna sa Japan

Ipinahayag ng Health Ministry ng Japan na pitong katao ang nagkaroon ng pamamaga ng puso matapos mabakunahan ng Pfizer coronavirus vaccine sa bansa.

Ayon sa mga opisyal, aabot na ng mahigit 9.76 milyong katao sa Japan ang nabakunahan na ng Pfizer ng May 30.

Sinabi nila na pitong katao na nag-eedad ng 20 anyos hanggang 69 anyos ang nagkaroon ng myocarditis or pericarditis.

Anim sa mga ito ay lalaki na nagpa-kita ng sintomas matapos maka-tanggap ng kanilang ikalawang bakuna.

May mga nai-ulat rin na mga kaso ng pamamaga ng puso sa Estados Unidos ng mga taong nakatanggap ng bakuna na gawa ng Pfizer o Moderna vaccine, na siyang gumagamit ng messenger na RNA.

Karamihan sa mga naiulat na kaso ay mula sa mga batang kalalakihan, matapos matanggap ang kanilang ikalawang dose ng bakuna.

Ayon sa Health Ministry ng Japan, wala namang serious safety concerns ang nakumpirmang makaka- sanhi ng epekto sa inoculation program. Idinagdag rin ng mga opisyales na patuloy sila na mag-lilikom ng mga datos sa bansa at sa abroad.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund