MGA RETIRADONG POLICE OFFICIALS MAGSISILBI SA TOKYO GAMES

Inaasahan aniya na ang paparating na palaro ay magiging mas kapana-panabik kaysa sa nauna.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMGA RETIRADONG POLICE OFFICIALS MAGSISILBI SA TOKYO GAMES

Ang mga retiradong tauhan ng Tokyo Metropolitan Police Department ay magsisilbing Volunteer Help Guards sa Tokyo Olympics.

Sa halos isang buwan bago ang Palaro, 90 dating mga opisyal ng kapulisan na may edad 46 hanggang 87 ang dadalo sa Commissioning Ceremony sa punong himpilan ng departamento sa darating na Martes.

Ang Deputy Chief ng MPD na si Ogata Yoshimi ay nagbigay ng uniporme at Letter of Commission sa bawa’t isang boluntaryo.

Si Yaginuma Masami, 67, at dating opisyal sa Traffic Department, ay nagpahayag ng kagalakan kasama ng iba pang mga boluntaryo.

Itatalaga sila upang magbantay sa mga lugar sa paligid ng mga Security Checkpoints ng venue ng Laro, na nagbibigay ng patnubay sa trapiko malapit sa National Stadium at sumubaybay sa mga post online.

Si Suzuki Yuzo, 87, ay kasama sa pagbabantay mga lugar sa paligid ng National Stadium bilang isang opisyal ng kapulisan noong 1964 Tokyo Games. Inaasahan aniya na ang paparating na palaro ay magiging mas kapana-panabik kaysa sa nauna.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund