LALAKI, 25, ARESTADO SA PAGTATANGKANG PAGPATAY SA 5 MIYEMBRO NG PAMILYA

Sa kanyang pagka-aresto sa sinasabi nito na "hindi niya naaalala ang nangyari."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

FUKUOKA – Inaresto ng kapulisan sa Lungsod ng Fukuoka ang isang lalaki, 25, walang trabaho sa salang Attempted Murder matapos nitong pagsasakin ang limang miyembro ng pamilya sa kanilang tahanan.

Ayon pa sa mga imbestigador, si Jukiya Iwasaki ay nagpunta sa isang stabbing rampage matapos ang alitan ng pamilya sa kanilang municipal apartment complex sa Hakata Ward dakong 7:15 ng umaga nitong Martes, ayon sa ulat ng Fuji TV. Narinig ng isang kapitbahay ang sigawan at tumawag sa 110.

Ang 42 taong gulang na ina ni Iwasaki ang pinaka-malubhang nasugatan matapos na malaslas sa ulo. Sinabi ng mga pulis na ang kapatid na teenager ni Iwasaki, lola, 64, tiyuhin, 35, at isang babaeng kamag-anak, 40, ay nagtamo rin ng mga sugat mula sa kutsilyo. Ang lahat ng mga biktima ay dinala sa ospital upang malapatan nga lunas ang mga natamong sugat.

Matapos ang pagwawala, natagpuan ng mga pulis si Iwasaki malapit sa pinangyarihan ng krimen na at kinakitaan ito ng mga sugat at gasgas sa magkabilang braso. Sa kanyang pagka-aresto sa sinasabi nito na “hindi niya naaalala ang nangyari.”

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund