Japan, mag-bibigay suporta para sa mga dayuhang residente na nais magpa-bakuna laban sa coronavirus

Ipo-promote din ng pamahalaan ang pagshi-share ng mga multilingual information ukol sa mga hakbang upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa ilalim ng nasabing polisiya, ang pamahalaan ay mag-bibigay ng tulong sa mga dayuhan na nahihirapan intindihin ang mga dapat gawin sa mga coupon na ipinadala sa kanila ng mga munisipalidad na in-charge sa inoculation campaign at duon sa mga taong hindi alam kung papaano makipag-ugnayan sa kanilang kinabibilangang munisipalidad.

Ipo-promote din ng pamahalaan ang pagshi-share ng mga multilingual information ukol sa mga hakbang upang maiwasan ang pag-kalat ng coronavirus.

Ang mas pinalakas na vaccination support ay dinagdagan ng 10 bagong hakbang na nag-lalayon na suportahan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga dayuhan sa kultura at kagawian ng Japan.

Ang package ay orihinal na ginawa nuong Disyembre taong 2018, bago pa man baguhin ng Japan ang bagong visa system nuong Abril 2019 kung saan pormal na binukasn nito ang bansa para sa mga blue-collar workers dahil sa kakulangan ng mga mang-gagawa. Ito ay binabago taon-taon at sa kasalukuyan ito ay bumabalot sa 197 na polisiya.

Mula nuong katapusan ng 2020, ang Japan ay mayroong sumasatotal na mahigit 2.89 milyon na dayuhang residente.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund