Isang babaeng manager ng isang Karaoke Parlor, natagpuang patay sa loob ng gusali

Natagpuan ang babae na pinaniniwalaang nag-eedad ng mga 20 pataas, na nagtamo ng saksak sa buong katawan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA (TR) – ang babaeng manager ng isang karaoke parlor sa Kita Ward ng Lungsod ng Osaka ay natagpuang patay sa loob ng gusali na kanyang pinamumunuan nitong Lunes.

Ang kaso ay tinitignan bilang isang kaso ng pamamaslang, pahayag ng mga pulis, mula sa ulat ng Kansai TV (June 14).

Bamdang alas-10:45 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang emergency services mula sa isang bisita ng Karaoke Pub Goma-chan sa Tenjinbashi.”May isang babae na nag-collapse,” ani ng tumawag.

&nbspIsang babaeng manager ng isang Karaoke Parlor, natagpuang patay sa loob ng gusali
Isang babae ang nakitang patay sa loob ng gusali na kanyang mina-manage nitonf Lunes. (Twitter)

Ang mga emergency personnel na rumisponde sa tawag ay dumating sa lugar ng insidente at natagpuan ang babae na pinaniniwalaang nag-eedad ng mga 20 pataas, na nagtamo ng saksak sa buong katawan. Ang biktima ay kinumpirmang wala ng buhay, ayun sa mga pulis.

Ang parlor ay nasa ika-limang palapag ng multi-tenant building na may mahigit 100 metro ang layo mula sa JR Temma Station.

Kasalukuyang kinukumpirma ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng babae.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund