4 na labi ang natagpuan sa loob ng kotse sa Kobe

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang apat ay nag-kitil ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-langhap ng usok ng mga sinunog na uling.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

HYOGO (TR) – apat na labi ang natagpuan sa loob ng isang sasakyan na naka-park sa isang mountainous area sa Kobe City nuong Linggo.

Natagpuan rin ang mga sunog na uling sa loob ng sasakyan, ang pulis ay tinitignan ang kaso bilang isang group suicide, mula sa ulat ng NHK (June 21).

Bandang ala-6:40 ng hapon, ang may-ari ng bakanteng lote sa Kita Ward ay inalerto ang mga kapulisan ukol sa kotse. “Ang mga taong nasa loob ng sasakyan ay hindi gumigising kahit na kinalampag o kinatok ko ang gilid ng sasakyan,” ayon sa may-ari.

Ang mga pulis na rumispunde sa tawag ay natagpuan ang apat na labi, pinaniniwalaang isang teenager ma babae at dalawang lalaki at isang babae na pinaniniwalaang nag-eedad ng 20s -40s, sa loob ng puting van.

Ang mga pintuan ng van ay naka-sarado, ang van ay may license plate mula sa Kanto area. Wala namang nakitang panlabas na pinsala sa katawan ng mga biktima, ayon sa mga pulis.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang apat ay nag-kitil ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-langhap ng usok ng mga sinunog na uling.

Kasalukuyang inaalam ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng mga biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund