17 porsyento ng papulasyon ng Japan nabakunahan na ng unang dose

17.64 porsyento ng populasyon ng Japan ay nakatanggap na ng paunang bakuna ng coronavirus vaccine.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp17 porsyento ng papulasyon ng Japan nabakunahan na ng unang dose

Ang datos na inilathala ng pamahalaan ng Japan ay nagpapa-kita na mayroong 17.64 porsyento ng populasyon ng Japan ay nakatanggap na ng paunang bakuna ng coronavirus vaccine.

Ang pinaka-bagong inilathala ng statistics nuong Lunes ay nagpapa-kita na 22,437,512 katao ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna sa Japan.

Ang bilang ng mga taong naka-tanggap ng kanilang ikalawang bakuna ay umabot na sa 9,154,518, o 7.2 percent ng kabuoang bilang ng papulasyon ng buong bansa, kabilang ang mga dayuhang residente nang bansa.

Kabilang sa bilang ng papulasyon ang mga bata na hindi pa kasama sa inoculation program ng pamahalaan.

Ang datos ay base sa pigura na inilagay ng mga lokal na opisyal sa central government system. Marami sa mga mamamayan ay nabakunahan sa kani-kanilang mga trabahuhan at iba pang lugar.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund