Mga bansa sa southern EU, bukas na para sa mga turista

Mula sa Linggo, plano ng Italy na tumanggap na mga nabakunahan nang mga turista mula sa mga bansang EU, US at Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga bansa sa southern EU, bukas na para sa mga turista

Ang mga bansang Greece at Italy ay nag-bubukas para sa mga bakasyonista na tapos nang mabakunahan, at hindi sila u-obligahin ng quarantine requirement.

Nitong Biyernes, inalis na ng Greece ang 10 araw na post-entry quarantine para sa mga byahero mula sa 53 bansa, kabilang ang EU members, Britain at ang Estados Unidos. Subalit, kina-kailangan na ang mga ito ay mag-presenta ng vaccination certificate o isang negative PCR test result.

Milos, isa sa mga isla ng Greece sa Aegean Sea, ay sinalubong ang Ferry na siyang nag-sasakay ng mga dayuhang bakasyonista nitong Sabado.

Ang isang German national na kasama ang kanyang pamilya ang nag-sabi na siya ay nagpa-schedule na nito 2 buwan na ang naka-lilipas at talaga namang inaabangan ang byaheng ito.

Idinagdag pa nito na natutuwa siya at ang kanyang pamilya dahil sa muli pag-bubukas ng mga byahe para sa mga turista.

Ang municipal leader ng Milos ay nag-pahayag na mahigit na kalahati ng mga kabuhayan ng residente dito ay naka-depende sa turismo at matagal na silang nag-aantay sa muling pag-tanggap ng mga dayuhang bakasyunista.

Mula sa Linggo, plano ng Italy na tumanggap na mga nabakunahan nang mga turista mula sa mga bansang EU, US at Japan.

Pina-bibilisan na ng mga bansa sa Europe ang kanilang pag-babakuna, dahil sa pangamba na sa muling pag-bubukas ng pag-tanggap sa mga turista ay maaaring magkaroon ng muling pag-kalat ng COVID-19 infection.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund