Lumagpas na sa 20 milyong katao ang bilang ng mga may impeksyon ng coronavirus sa India

Ang pag-laganap ng virus ay nananatiling hindi mapipigil sa kabila ng mga social restrictions na ibinaba sa ilang mga lugar nang bansa mula pa nuong kalagitnaan ng Abril. Nananawagan ang mga eksperto para mag-deklara nang isang strict national lockdown.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLumagpas na sa 20 milyong katao ang bilang ng mga may impeksyon ng coronavirus sa India

Ang kabuoang bilang ng mga nahawaan ng coronavirus sa bansang India ay umabot na sa 20 milyon. Ito ang ikalawang bansa mula nang manguna ang Estados Unidos na lagpasan malagim na panahon.

Ang pamahalaan ng India ay nag-ulat nang 357,229 na mga bagong kaso nitong Martes, na siyang nag-marka nang ika-13 magkaka-sunod na araw na nag-tala ng mahigit 300,000 bagong impeksyon. Sa kasalukuyan, ang nasabing nasyon ay nag-tatala ng mahigit 20,282.833 na bilang ng mga taong nahawaan ng impeksyon.

Nitong Martes lamang ay kinumpirma rin ng pamahalaan ang 3,449 kataong namatay na may kaugnayan sa virus.

Ang biglaang pag-kalat ng impeksyon ay gumawa ng matinding pag-hihirap sa healthcare system ng India, dahil sa kakulangan ng mga higaan sa mga ospital at medical oxygen. Marahil dahil sa kakulangan sa tamang pag-gagamot, marami ang binawian ng buhay.

Ang pag-laganap ng virus ay nananatiling hindi mapipigil sa kabila ng mga social restrictions na ibinaba sa ilang mga lugar nang bansa mula pa nuong kalagitnaan ng Abril. Nananawagan ang mga eksperto para mag-deklara nang isang strict national lockdown.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund