Lalaki inaresto sa paninipa ng pintuan ng hospital sa Aichi dahil hindi nakakuha ng reservation para sa Covid-19 vaccination

Isang lalaki ang inaresto nang sinipa niya at nabasag ang glass door ng isang ospital sa Anjo City, Aichi matapos na tinanggihan ng hospital ang kanyang request na makapagpa-reserve upang makatanggap ng COVID-19 vaccine. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki inaresto sa paninipa ng pintuan ng hospital sa Aichi dahil hindi nakakuha ng reservation para sa Covid-19 vaccination

NAGOYA – Isang lalaki ang inaresto nang sinipa niya at nabasag ang glass door ng isang ospital sa Anjo City, Aichi matapos na tinanggihan ng hospital ang kanyang request na makapagpa-reserve upang makatanggap ng COVID-19 vaccine, sinabi ng pulisya.

Ayon sa Anjo Police Station sa Aichi Prefecture, ang lalaki, isang 66-taong-gulang na driver ng truck mula sa prefectural city ng Anjo, ay naaresto dahil sa kasong destruction of property. Sinabi ng pulisya na inamin niya ang mga paratang at sinabi sa mga investigator na ginawa niya ito dahil sa galit niya at para makaganti sa hospital.

Ang lalaki ay partikular na inakusahan ng pagsipa at pagbasag ng glass door sa pasukan ng ospital sa Anjo bandang 8:35 ng umaga noong Mayo 12.

Ayon sa pulisya, ang ospital ay tumatanggap ng mga reservation para sa mga taong regular na pasyente sa kanilang hospital, ngunit ang lalaki ay hindi isang regular na outpatient, kaya’t sinabihan siya na hindi siya pwedeng makapagpa-book doon kundi sa pamamagitan ng pagpunta sa City Hall kung saan pwede makapag book ang lahat ng tao.

(Orihinal na Japanese ni Hitomi Takai, Nagoya News Center)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund