Japan ipagbabawal ang pagpasok sa bansa ng mga foreigners na may travel history sa India, Nepal at Pakistan

Sinabi ng gobyerno ng Japan na pagbabawalan ang pagpasok ng mga dayuhan na may travel history galing India, Nepal at Pakistan sa loob ng 14 na araw bago ang kanilang pagdating sa Japan, sa kabila ng pagkalat ng mas nakakahawang variant ng coronavirus. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng gobyerno ng Japan na pagbabawalan ang pagpasok ng mga dayuhan na may travel history galing India, Nepal at Pakistan sa loob ng 14 na araw bago ang kanilang pagdating sa Japan, sa kabila ng pagkalat ng mas nakakahawang variant ng coronavirus.

Ang panukalang-batas, na epektibo mula Biyernes, ay mangyayari habang ang India ay patuloy na nakikipagpunyagi sa isang pagdagsa ng mga impeksyon dahil ibang klaseng strain ng coronavirus, na nagbubunga ng takot na maaaring kumalat sa mga karatig bansa tulad ng Nepal at Pakistan.

Ang mga permanent resident at ang kanilang mga pamilya, pati na rin ang mga asawa o anak ng mga Japanese nationals na umalis sa Japan as of Thursday na may nakuhang re-entry ay exempted sa panukala.

Ang mga dayuhang mamamayan na may special permanent resident status ay maibubukod din sa entry ban na sumasaklaw sa tatlong mga bansa sa Timog Asia.

Sa kasalukuyan, ang mga Japanese national at dayuhang residente na darating mula sa humigit-kumulang na 35 mga bansa, kabilang ang India, Nepal at Pakistan, ay kinakailangang magsumite ng patunay ng  negative result ng test sa COVID-19 na kinuha bago at pagkatapos ng pagdating.

Ang mga taong darating mula sa tatlong mga bansa ay kinakailangan ding mag-quarantine ng anim na araw sa mga itinalagang pasilidad, habang ang mga darating mula sa natitirang mga nakalistang bansa at rehiyon ay kinakailangang gawin ito sa loob ng tatlong araw.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund