Japan, in-extend ang state of emergency

Isang lalaki naman ang nag-pahayag ng kanyang pasasalamat sa mga medical workers at pinayuhan ang mga tao na harapin ng seryoso ang sitwasyon at dapat na magsa-gawa ng aksyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, in-extend ang state of emergency

In-extend ng Japan ang kanilang coronavirus state of emergency  sa prepektura ng Hokkaido, Okayama at Hiroshima kung saan ang arawang bilang ng mga kaso ng impeksyon ay dumarami. Ang naturang hakbang laban sa impeksyon ay binubuo ng siyam na prepektura, kabilang ang Tokyo at Osaka hanggang sa ika-31 ng Mayo.

Ang mga naninirahan sa Hokkaido ay sinasabihan na iwasang lumabas kung ito ay hindi naman kina-kailangan, sinabihan rin ang mga kainan na bawasan ang kanilang oras ng pag-nenegosyo. Ang northernmost prefecture ay mayroong pinaka-mataas na tala ng mga taong nahawa ng impeksyon sa bansa nitong Sabado, umaabot ng 100,000 katao ang nahahawaan kada linggo.

Isang babae na naninirahan sa prepektura ang nagpahayag ng pag-asa na sana ang mga bilang ng kaso ng impeksyon ay muling bumaba.

Isang lalaki naman ang nag-pahayag ng kanyang pasasalamat sa mga medical workers at pinayuhan ang mga tao na harapin ng seryoso ang sitwasyon at dapat na magsa-gawa ng aksyon.

Ang western prefecture ng Hiroshima, ay nag-ulat ng 238 na kaso ng impeksyon nitong Sabado, na siyang nata-tala ng pinaka-mataas na arawang bilang. Maraming tindahan ang naka-sarado sa popular na tourist destination ng Miyajima.

Isang tindero ang nag-sabi na, nararamdaman ko na pahahabain pa ang state of emergency, ngunit ito ay kinakailangan. Sinabi rin nito na kinakailangan itapon ang ilang pagkain mula sa kanyang tindahan.

Mahigit 6,400 na bagong kaso ng coronavirus ang ini-ulat sa bansa nuong Sabado. Kinumpirma ng mga opisyal ang 94 na namatay dahil sa impeksyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund