Isang tourist boat sa Java tumaob, dahil sa pagse-selfie

Ang bangka ay pina-andar umano ng isang 13 anyos na batang lalaki at hindi lisensiyadong mag-sakay ng turista.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang tourist boat sa Java tumaob, dahil sa pagse-selfie

Nitong Sabado, isang overloaded boat ang tumaob sa isang reservoir sa Java, isang isla sa Indonesia, ito ay matapos gumalaw ang mga pasahero at nag tipon-tipon sa isang banda ng bangka upang kumuha ng selfie. Pitong katao ang pumanaw at mayroon pang dalawa na hindi pa natatagpuan.

Ipinahayag ng National Search and Rescue Agency na ang barko ay tumaob sa Boyolali, central Java na may sakay na 20 katao. Ang naturang sasakyang pang-dagat ay may kapasidad na 14 katao lamang.

Ayon sa ahensya, ang bangka ay tumaob nang ang mga turista ay lumipat sa isang banda ng bangka upang kumuha ng selfie. Hindi naka-suot ang mga ito ng life jackets.

Ang bangka ay pina-andar umano ng isang 13 anyos na batang lalaki at hindi lisensiyadong mag-sakay ng turista.

Ayon sa rescue agency, suspetsa nito na ang naging sanhi ng pag-taob nito ay dahil sa pagiging overload nito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund