Isang matandang driver ang pinagsu-suspetsahan ng mga awtoridad ang sangkot sa isang road-rage incident sa Chiba

Bago naganap ang insidente, si Asahara at ang biktima ay nagkaroon ng pag-tatalo dahil sa trapiko. Sa isang punto, ilang beses umanong sinuntok sa mukha ng suspek ang biktima mula sa bukas nitong bintana habang naka-pula ang ilaw trapiko.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang matandang driver ang pinagsu-suspetsahan ng mga awtoridad ang sangkot sa isang road-rage incident sa Chiba
Police Siren

CHIBA (TR) – inaresto nang Chiba Prefectural Police ang isang matandang driver dahil sa road-rage na insidente sa Chiba City nitong linggo, mula sa ulat ng NHK (May 12).

Bandang alas-4:30 ng hapon nuong Lunes, si Masao Asahara, 70 anyos, ay sinadya umano gamitin ang kanyang sasakyan upang sagasaan ang isang lalaki, 21 anyos at isang vocational student habang sakay ng kanayng motor sa kalsada ng Hanamigawa Ward.

Ang pagka-bangga ay nag-sanhi ng pag-bagsak ng estudyante sa kalsada, na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng kaunting pinsala.

Sinabi ng mga pulis na pinabulaanan ng matanda ang mga alegasyon laban sa kanya nang ito ay inaresto sa salang suspisyon sa tangkang pag-patay.

Bago naganap ang insidente, si Asahara at ang biktima ay nagkaroon ng pag-tatalo dahil sa trapiko. Sa isang punto, ilang beses umanong sinuntok sa mukha ng suspek ang biktima mula sa bukas nitong bintana habang naka-pula ang ilaw trapiko.

Sa isang kuha ng security camera, makikita na ang biktima ay mabilis na nilagpasan ang pulang sasakyan ni Asahara. At sa dulo ng kalsada, makikita na ini-liko ng suspek ang kanyang sasakyan na naging dahilan ng pag-bagsak sa kalsada ng biktima.

Matapos ang pagsa-gasa, agad na tumakas si Asahara.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund