Isa na namang Pinay at Hapon, huli sa fake marriage

Huli sa fake marriage ang isang Pinay at Hapon sa Tokyo. Natuklasan ang fake marriage nang may isang pang Pinay na naaresto noong Enero, this year (hindi binanggit kung ano ang kaso) at isinumbong ang kakilalang niyang si Tangliben na peke ang kasal sa Hapon. Isinuplong siya ng kapwa kababayan kung kaya't nagsimulang inimbestigahan ng police ang dalawang hinuli.  #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang Pilipina at Hapon ang naaresto ng Tokyo Metropolitan Police Department dahil sa fake marriage.

Ang mga naaresto ay si Tangliben Radam Estelita (43), isang Philippine national na taga Suginami Ward, Tokyo, at ang Hapon na si Hiroaki Nishi (60), isang contract worker sa Edogawa Ward. Pinaghihinalaan na ang dalawa ay nagsumite ng isang dokumento na nagpapatunay na ikinasal sila sa Tokyo Regional Immigration Bureau noong Oktubre ng nakaraang taon, kahit na hindi naman talaga sila totoong magkasintahan dati o a nagsasama bilang mag-asawa, at ilegal na ineregister upanb maging residente ang visa status ng babae.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, natuklasan ang fake marriage nang may isang babaeng Pilipino na naaresto noong Enero, this year (hindi binanggit kung ano ang kaso) at isinumbong ang kakilalang niyang si Tangliben na peke ang kasal sa Hapon. Isinuplong siya ng kapwa kababayan. Kung kaya’t nagsimulang inimbestigahan ng police ang dalawang hinuli.

Itinanggi naman ng dalawa ang mga paratang sa kanila at sinabing totoo ang kanilang kasal at may plano naman daw silang magsama.

Ngunit iniimbestigahan din ng Metropolitan Police Department kung may kasangkot na fake marriage broker ang dalawa.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund