Bakuna ng Pfizer epektibo umano laban sa bagong variants ng COVID-19, ayon sa mga pag-aaral

Ang bakuna na ina-prubahan na magamit sa Japan ay ang bakuna na gawa ng Pfizer at ang German partner nitong BioNTech.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBakuna ng Pfizer epektibo umano laban sa bagong variants ng COVID-19, ayon sa mga pag-aaral

Ang pananaliksik nang isang research team ng Yokohama City University ay isina-gawa sa 105 katao na naka-tanggap ng 2 dose ng bakuna, ang mga ito ay hindi na muling na-hawaan ng novel coronavirus at pitong variants nito.

Ayon sa kanilang isina-gawa, sa 105 na katao, 90 hanggang 94 porsyento ay na-suri na mayroong antibodies laban sa mga variants na natagpuan sa Britain, South Africa at Brazil, habang ang 97 porsyento naman ay mayroong antibodies laban sa variant na na-detect sa India.

Napag-alaman din nila na 99 porsyento ay mayroong antibodies laban sa kauna-unahang coronavirus na kumalat sa Japan.

Sa kasalukuyan, ang Japan ay humaharap sa ika-apat na pag-kalat ng impeksyon at ito ay mas lumulubha at mas naka-hahawa, habang nahuhuli ang bansa sa pag-babakuna kumpara sa ibang mga bansa kabilang ang Britain, Israel at United States.

Ang bakuna na ina-prubahan na magamit sa Japan ay ang bakuna na gawa ng Pfizer at ang German partner nitong BioNTech.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund