2 kabataan ang tumalon sa kanilang kamatayan mula sa APA Hotel sa Kabuki cho

Ang mga tauhan ng emergency services na rumisponde sa tawag mula sa hotel ay kinumpirma na may 18 anyos na lalaki, isang vocational school student at isang 14 anyos na babae, na isa namang middle school student, parehong wala ng buhay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp2 kabataan ang tumalon sa kanilang kamatayan mula sa APA Hotel sa Kabuki cho
Japan ambulance

TOKYO (TR) – Isang lalaki at babae ang tumalon sa kanilang kamatayan mula sa taas ng isang business hotel sa Kabukicho red-light district nitong Martes, isinawalat ng pulis, mula sa ulat ng Kyodo News (May 11).

Ayon sa Shinjuku Police Station, naka-tanggap sila ng tawag sa emergency services mula sa APA Hotel Shinjuku Kabukicho Tower bandang alas-4:35 ng umaga.

“Parang may dalawang tao na tumalon mula sa [hotel],” ayon sa tumawag.

Ang mga tauhan ng emergency services na rumisponde sa tawag mula sa hotel ay kinumpirma na may 18 anyos na lalaki, isang vocational school student at isang 14 anyos na babae, na isa namang middle school student, parehong wala ng buhay.

Isang suicide note ang natagpuan sa bag na pagmamay-ari ng babae, pahayag ng pulis.

Ang 28 palapag na hotel ay itinayo nuong taong 2015.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund