Lalaking lumaslas sa leeg ng kanyang misis nais rin patayin ang kanyang mga anak, ngunit hindi niya ma-kaya

Ang suspek ay umamin sa mga alegasyon sa salang pag-patay laban sa kanya nang ito ay maaresto. Ito ay ini-harap sa prosekyutor nuong Martes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking lumaslas sa leeg ng kanyang misis nais rin patayin ang kanyang mga anak, ngunit hindi niya ma-kaya

 

 

FUKUOKA (TR) – Ang 32 anyos na lalaki na nasa kostudiya ngayon ng mga awtoridad dahil sa pananaksak nito sa kanyang asawa sa kanilang tahanan sa Kitakyushu City nuong Lunes ay nag-plano rin na patayin ang kanyang mga anak, ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng Television Nishinippon (April 14).

“Naaawa ako na maiwan ang aking mga anak,” ani  ni Kasumi Okamura, isang empleyado ng isang kumpanya, ay nag-sabi sa mga pulis habang tinutukoy ang kanyang anak na nag-eedad ng 1 at 3 taong gulang. “Kaya binalak ko rin na patayin sila, ngunit hindi ko kaya.”

“Ginusto ko na rin mamatay!” ayon sa suspek.

Inalerto ni Okamura ang mga pulis nuong umaga nang Lunes upang agad na mag-tungo sa kanilang tahanan sa Yahatanishi Ward.

Natagpuan ng mga pulis na rumisponde sa tawag ang misis na si Shizu, 32 anyos na naka-handusay sa loob ng tahanan. Ang mga bata ay naka-upo sa tabi nito. Wala namang tinamong pinsala ang mga ito.

Ang ginang na nag-tamo ng mgaraming saksak sa bahagi ng leeg ay kinumpirmang namatay sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Ang sanhi ng pagka-matay ay pagka-ubos ng dugo, ani ng mga pulis.

Ang suspek ay umamin sa mga alegasyon sa salang pag-patay laban sa kanya nang ito ay maaresto. Ito ay ini-harap sa prosekyutor nuong Martes.

Idinagdag ng mga pulis na si Okamura ay humaharap sa problemang pinansiyal. Dagdag pa rito ang utang sa pag-bili ng bahay at ilang pang milyong yen sa ibang mga pinagkaka-utangan.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund