Isang taxi driver ang sangkot sa isang kaguluhan kaugnay ang kanyang pasahero na hindi naka-suot ng breathing mask

"Sa susunod, mag-suot ka sana ng mask." pagpapa-alala ng driver sa babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI (TR) – Inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang taxi driver sa pananakit umano nito sa kanyang pasaherong babae habang ito ay nakikipag-talo dahil sa breathing mask sa lungsod ng ng Ama nuong Martes.

Bandang alas-8:00 ng umaga, isang taxi na minamaneho ni Kazuaki Kusuyasu, ay kinaladkad umano ang 20 anyos na babae na isang empleyado ng isang kumpanya, hindi pa natutukoy kung gaano ka-layo ito kinaladkad, ito ay bumagsak sa kalsada habang nakikipag-talo.

Ayon sa mga pulis, ang babae ay nagka-pinsala sa kanyang kaliwang balikat na aabot sa dalawang linggo bago gumaling, mula sa ulat ng Fuji News Network (April 21).

Sa pag-aresto, inamin ng 63 anyos na si Kusuyasu ang mga alegasyon na salang pananakit laban sa kanya.

“Matapos namin mag-talo dahil sa pag-suot ng mask, Sinubukan ko na lumabas ng sasakyan at sinundan niya ako.” ani nito sa mga pulis.

&nbspIsang taxi driver ang sangkot sa isang kaguluhan kaugnay ang kanyang pasahero na hindi naka-suot ng breathing mask
Isang taxi driver ang nagkaroon ng komosyon sa pasahero nitong babae tungkol sa breathing mask nuong Martes (Twitter)

 

“Paki-usap, mag-suot ka ng mask”

Bago pa man mangyari ang insidente, sumakay ang babae sa taxi na minamaneho ni Kusuyasu nang hindi naka-suot ng mask.

Kalaunan, matapos mag-bayad, ang babae ay bumaba mula sa taxi sa isang lugar na malapit sa kanyang tahanan sa Ama. “Sa susunod, mag-suot ka sana ng mask.” pagpapa-alala ng driver sa babae.

Sa galit, binuksan ng babae ang pinto ng sasakyan at sinusubukan na muling sumakay sa loob. Ngunit, ang kotse ay napa-andar na ni Kusuyusu, na siyang naging dahilan ng pag-subsob ng babae kalsada.

 

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund