Isang lalaki, pinaghahanap ng pulis sa salang pananaksak at pag-patay sa kanyang kapatid

Ayon sa resulta ng awtopsiya na isina-gawa, ang sanhi ng pagka-matay ng biktima ay dahil sa parehong natamong saksak at pananakal, ayon sa mga pulis.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

IBARAKI (TR) – kasalukuyang pinag-hahanap ng mga Ibaraki Police Station ang kapatid ng isang lalaking natagpuang patay sa loob ng kanyang pamamahay sa village ng Tokai nitong Linggo, mula sa ulat ng TV Asahi (April 20).

Bandang alas-8:20 ng gabi, ang ina ni Yoshikazu Nakayama, 63, at ang suspek ay inalerto ang mga pulis tungkol sa “isang saksakan” na kina-sasangkutan ng kanyang dalawang anak.

Natagpuan ng mga paramedics ang biktima na naka-higa ng patihaya sa loob ng living room ng tahanan na may tama sa bandang leeg na parte ng katawan. Idineklarang pumanaw na ang biktima kalaunan.

Isang lalaki ang pinatay sa isang residente sa Tokai nitong Linggo. (Twitter)

Ayon sa resulta ng awtopsiya na isina-gawa, ang sanhi ng pagka-matay ng biktima ay dahil sa parehong natamong saksak at pananakal, ayon sa mga pulis.

Magkaka-samang naninirahan sa tahanan sina Nakayama, ang kanyang ina at ang kanyang 57 anyos na kapatid na lalaki. Agad na tumakas ang suspek gamit ang isang kotse na kalaunang natagpuang inabandona sa malapit na library.

Hawak na ng mga pulis ang warrant of arrest ng suspek sa salang pag-patay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund