Ikalawang suspek sa pananaksak sa isang lalaki sa Shizuoka nuong nakaraang buwan, arestado

Inilagay ng mga pulis ang pangalan nila Oki at Niitsu sa wanted list matapos tanungin ang mga kasama ng biktima tungkol sa nangyaring insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIkalawang suspek sa pananaksak sa isang lalaki sa Shizuoka nuong nakaraang buwan, arestado
Police Siren

Ayon sa pulis, si Taku Oki, 35 anyos, walang trabaho ay naakusahang sumaksak kay Shungo Kagiwada, isang construction worker nuong ika-7 ng Marso malapot sa JR Mishima Station, ulat ng Sankei Shimbun. Ang isa pang suspek na si Tetsuya Niitsu, 38 anyos at wala rin trabaho ang ina-resto sa Matsudo, Chiba Prefecture sa kaparehong kaso.

Isang tawag ang natanggap ng 119 bandang ala-5:10 ng madaling araw nuong ika-7 ng Marso, na nag-sasabi na may isang lalaki na naka-handusay sa kalsada malapit sa south exit ng istasyon matapos makipag-buno sa 4 hanggang 5 kalalakihan. Nang dumating ang ambulansiya sa lugar ng insidente, wala nang tao rito. Ilan sa mga kasamahan ng biktima ay dinala ito sa Mishima Central Hospital.

Ang biktima ay kilaunang kinilala bilang si Kagiwada, pumanaw ito makalipas ang 50 minutos mula nang ito ay dalhin sa pagamutan.

Inilagay ng mga pulis ang pangalan nila Oki at Niitsu sa wanted list matapos tanungin ang mga kasama ng biktima tungkol sa nangyaring insidente.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund