Bistado ang mga ilegal na Casino sa Yokohama

Nitong ika-4 ng Abril, inaresto ng mga awtoridad ang 3 mang-gagawa at dalawang kostumer.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI (TR) – ni-raid ng Aichi Prefectural Police ang isang ilegal na casino sa Nagoya nitong Lunggo. Ang pang-huhuli ay sinundan pa ng isang raid sa Yokohama City makaraang ang dalawang araw, mula sa ulat ng local media.

Ayon sa mga pulis, nag-lalagay umano ng pa-taya online sa larong baccarat ang Internet Casino Leaf sa Naka Ward sa Nagoya sa mga petsang pagitan ng ika-14 ng Marso hanggang ika-3 ng Abril.

Nitong ika-4 ng Abril, inaresto ng mga awtoridad ang 3 mang-gagawa at dalawang kostumer. Ang 46 anyos na manager na si Daisuke Arita ay tumangging mag-komento sa mga alegasyong kinasasangkutan.

Kinumpiska rin ng mga pulis ang mga computer monitors at 1.23 milyong yen na cash.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang kita ng casino ay dumidiretso sa mga kamay ng sindikato.

&nbspBistado ang mga ilegal na Casino sa Yokohama
Kinumpiska ng mga pulis ang limang baccarat table sa isang ilegal na casino sa Yokohama nuong Martes.(Twitter)

 

Yokohama

Pagka-lipas ng dalawang araw, hinuli ng Kanagawa Prefectural Police ang Clover, na nasa Naka Ward ng lungsod ng Yokohama.

Kinumpiska ng mga police ang 5 lamesa ng baccarat at 60 milyong cash.

Para ma-monitor ang mga taong pumapasok at lumalabas sa 24 oras na casino, ito ay mayroong 2 pintuan at 17 na security camera.

Habang tinatanong, umamin sa mga alegasyon laban sa kanya ang manager na si Shinya Kai, 46 anyos. Sinabi niya na binuksan niya ang casino bandang Disyembre, 2019.

Source:Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund