4 na bangkay, natagpuan sa loob ng isang sasakyan sa Yokohama

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng mga bangkay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp4 na bangkay, natagpuan sa loob ng isang sasakyan sa Yokohama
Apat na labi ang nakita sa loob ng isang sasakyan sa parking lot sa Yokohama City nuong Huwebes. (Twitter)

KANAGAWA (TR) – Nagsa-gawa ang Kanagawa Prefectural Police ng isang imbestigasyon nang matagpuan ang mga labi ng dalawang matanda at dalawang bata sa loob ng isang sasakyan sa Yokohama City nitong umaga ng Huwebes.

Ang mga natagpuang labi ay sa isang pamilya na naninirahan sa Aoba Ward. Ang kaso ay tinatratong isang kaso ng pagpapa-tiwakal, ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng NHK (April 22).

Bandang ala-1:00 ng madaling araw, isang officer ang rumoronda ang naka-kita sa mga katawan sa loob ng isang sasakyan na naka-park sa isang convenience store sa Onda cho area ng Aoba.

Ayon sa mga pulis, ang mga labi ay sa isang lalaki at babae na nasa kanilang 40s at 30s.

Ang mga bata na ay pinaniniwalaang isang batang babae na maaaring isang elementary student at nakababatang kapatid na lalaki.

Bandang alas-11:00 ng gabi, isang araw ang nakaraan, ang mga pulisya ay naka-tanggap ng isang tawag mula sa isang ginang na naninirahan sa Aoba. “Wala ang kotse, pati ang buong pamilya.” ani ng ginang. Agad naman na hinanap ng mga pulis ang nasabing kotse.

Kabilang sa mga labi sa loob ng sasakyan, may nakita ring ilang bahid ng dugo sa loob. Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng mga bangkay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund