27 na staff ng health ministry, nag-positibo sa coronavirus matapos ang party sa Ginza

Sa kabila ng paki-usap ng pamahalaan sa mga bars at restaurants na iklian ang kanilang business hours, may ilang staff na nanatili pa rin hanggang hating-gabi. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp27 na staff ng health ministry, nag-positibo sa coronavirus matapos ang party sa Ginza

TOKYO (TR) – inilathala ng Ministry of Health, Labor and Welfare na 27 sa kanilang staff ay nag-positibo sa novel coronavirus matapos ang isina-gawang farewell party nuong nakaraang buwan, ayon sa ulat ng Kyodo News (April 20).

Sa kabuoan, 12 katao ang pumunta sa nasabing pagdiriwang, pahayag ng ministry nuong Martes.

“Ito ay maaaring matawag na cluster,” ayon umano sa National Institute Disease, sabi ng ministry.

Nuong ika-24 ng Marso, may 23 na staff members mula sa ministry health and welfare bureau para sa mga matatanda ang nag-tipo tipon sa isang kainan sa Ginza para sa isang pagdiriwang.

Sa kabila ng paki-usap ng pamahalaan sa mga bars at restaurants na iklian ang kanilang business hours, may ilang staff na nanatili pa rin hanggang hating-gabi.

Mula nang araw na iyun, napag-alaman na isa-isa nang nahawa ang mga miyembro ng bureau.

Ang kabuoan ay dumagdag na ng mahigit 12 katao mula nuong nakaraang linggo.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund