79 porsyento ka-epektibo ang bakuna, ayon sa AstraZeneca

Ipinagpa-tuloy na muli ng France, Germany at iba pang mga bansa ang pag-babakuna gamit ang AstraZeneca matapos ianunsiyo ng European Medicine Agency nuong Huwebes na matapos ang matinding pag-susuri ito ay napatunayang ligtas gamitin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp79 porsyento ka-epektibo ang bakuna, ayon sa AstraZeneca

 

Ayon sa AstraZeneca, ang bakuna ay 79 porsyentong epektibo laban sa symptomatic COVID-19 sa pag-tatapos ng kanilang clinical trials sa US, Chile at Peru.

Inilathala ng British pharmaceutical company ang preliminary result nuong Lunes. Idini-develope nito ang bakuna kasama ang Oxford University.

Sinabi nito sa kabuoan ng 32,449 na participants 141 na kaso, ang nakumpirma na may sintomas ng COVID-19.

Napag-alaman ng firm na ang bakuna ay 79 porsyentong epektibo upang pigilan ang mga sintomas ng COVID-19 kumpara sa mga participants na naka-tanggap ng placebo.

Sinabi rin ng mga ito na halos 20 porsyento ng mga participants ay nag-eedad ng 65 taong gulang o pataas, at ang bisa ng bakuna sa age group ay nasa 80 porsyento.

Ang isang independent group na tumingin sa mga clinical trials ay sinuri nang mabuti ang mga preliminary data na siyang naka-tuon sa pamumuo ng dugo.

Pansamantalang natigil ang pamamahagi ng AstraZeneca-Oxford sa ilang mga bansa, karamihan ay sa Europe sanhi ng mga nai-ulat na mga taong nabakunahan at nagkaroon ng mga kaso ng pamumuo ng dugo.

Ipinagpa-tuloy na muli ng France, Germany at iba pang mga bansa ang pag-babakuna gamit ang AstraZeneca matapos ianunsiyo ng European Medicine Agency nuong Huwebes na matapos ang matinding pag-susuri ito ay napatunayang ligtas gamitin.

Ang lupon ay hindi na naka-kita ng pag-taas ng risk ng pamumuo ng dugo sa mga participants na nabakunahan ng isang dose.

Ang AstraZeneca ay mag-aapply na sa US Food and Drug Administration para sa authorization nang emergency use ng nasabing bakuna.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund