Lalaki, 56, nanaksak sa isang bar

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga minor injuries at parehong ligtas ayon pa sa mga pulis.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

CHIBA – Inaresto ng Chiba Prefectural Police ang isang 56 taong gulang na lalaki dahil sa umano’y pananaksak sa dalawang customer sa isang bar sa Lungsod ng Chiba iniulat ng Sankei Shimbun (Disyembre 6).

Dakong 2:10 ng umaga noong Linggo, si Shigehiko Kamada, walang trabaho, ay sinaksak diumano ang ang dalawang lalaking kostomer sa leeg at likod.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga minor injuries at parehong ligtas ayon pa sa mga pulis. Inaresto ng mga awtoridad si Kamada sa salang Attempted Murder.

Saad pa ng mga pulis, ang babaeng tagapamahala ng bar, na nasa edad 40 at isang pang babaeng empleyado ang naroroon din sa oras ng insidente. Gayunpaman, hindi sila nasaktan.

Si Kamada at ang mga biktima ay parehong mga regular na kostumer sa nasabing bar kung kaya’t pamilyar sila sa isa’t isa.

Nasa proseso na ng pagsasara ang manager ng bar, nang biglang pumasok sa loob si Kamada at itinulak siya papasok at duon isinagawa ang krimen.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga pangyayaring humantong sa insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund