Doctor, huli sa pag molestiya ng kanyang nurse habang isinasagawa ang medical examination

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang direktor ng isang klinika dahil sa hinalang pang-aabuso sa isang babaeng nurse habang isinasagawa niya ang medical examination nito. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang direktor ng isang klinika dahil sa hinalang pang-aabuso sa isang babaeng nurse habang isinasagawa niya ang medical examination nito.

Inakusahan ng pulisya si Sho Uto, 65, isang doktor na naninirahan sa Shibuya Ward, na hinawakan ang suso ng nurse, isang babae na 40-anyos, sa Onazuka Clinic sa Ota Ward sa pagitan ng 10 am hanggang 11 ng umaga noong Setyembre 30, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na hindi inamin ni Uto ang bintang sakanya na sinasabing sumusunod siya sa pamantayang medikal nang sinusuri niya ang dibdib ng babae.

Ayon sa warrant, nagpanggap si Uto na medikal na suriin ang ibabang likod ng babae matapos siyang magreklamo ng sakit. Humawak siya sa dibdib at ibabang bahagi ng katawan habang nanatiling sarado ang klinika.

Ang babae ay agad na nag resign sa klinika matapos ang insidente. Umunsad ang kaso nang kumunsulta ang nurse sa pulisya noong Oktubre.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund