Lalaking nag-positibo sa coronavirus sinabing pumupunta siya sa isang sports club

Mga taong gumamit o pumunta nang nasabing pasilidad nuong oras at araw na nabanggit ng lalaki, nanawagan ang mga ito sa mga nabanggit na mga tao na sila ay manatili sa kanilang tahanan sa loob ng 14 araw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaking nag-positibo sa coronavirus sinabing pumupunta siya sa isang sports club

Isang lalaki na nag-positibong nahawaan ng coronavirus nuong Biyernes ay pumunta umano sa isang sports club sa lunsod ng Shizuoka sa Central Japan.

Ayon sa lokal na public health center, ang lalaking nasa kanyang 60’s na naninirahan sa nasabing lunsod ay pasahero ng nai-quarantine na Cruise Ship ang Diamond Princess.

Sinabi nito na siya ay gumamit ng palikuran at changing room ng nasabing sports club nuong ika-20 at ika-22 ng Pebrero.

Mino-monitor ng center ang kalusugan ng mga taong gumamit o pumunta nang nasabing pasilidad nuong oras at araw na nabanggit ng lalaki, nanawagan ang mga ito sa mga nabanggit na mga tao na sila ay manatili sa kanilang tahanan sa loob ng 14 araw.

Nag-sara ang nasabing pasilidad nuong Linggo at nag-sabi na sila ay makikipag-ugnayan sa mga opisyal kung maaari na ba silang mag-bukas ng Lunes o sa mga susunod na araw.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund