Lalaki, arestado sa pananakit ng anak ng kanyang girlfriend

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 34-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pang-aabuso sa dalawang taong gulang na anak na babae ng kanyang kasintahan. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspLalaki, arestado sa pananakit ng anak ng kanyang girlfriend
Image: Photostock

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 34-taong-gulang na lalaki dahil sa hinalang pang-aabuso sa dalawang taong gulang na anak na babae ng kanyang kasintahan.

Ayon sa pulisya, si Kota Ochiai, isang empleyado ng kumpanya mula sa Saitama City, ay tinapon ang bata sa futong ng una ang ulo sa apartment ng kanyang kasintahan sa Arakawa Ward bandang Enero 2 o Enero 3.

Noong Enero 5, ang bata ay nawalan ng malay at ang kanyang ina, na nasa edad na 30, ay tumawag sa 119. Ang kanyang anak na babae ay dinala sa isang ospital kung saan siya ay nasuri at nadiskubreng may hematoma (pagdurugo sa utak), iniulat ng Fuji TV. May bali din ang buto sa kanang kamay. Siya ay nananatiling nasa coma. Inireport ng ospital sa pulis tungkol sa kaso ng posibleng pag-abuso sa bata.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Ochiai na sinaktan niya ang bata nang higit sa isang beses. Pinag-papasyahan din nila na kwestyunin ang ina ng bata na nakipag relasyon kay Ochiai mula noong huling taglagas.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund