Mga Santa sakay ng hot air balloon sa Nagano

Sumakay ang mga Santa Clause sa hot air balloon upang maghatid ng mga regalo sa mga bata sa isang lungsod sa Nagano Prefecture, gitnang Japan. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga Santa sakay ng hot air balloon sa Nagano

Sumakay ang mga Santa Clause sa hot air balloon upang maghatid ng mga regalo sa mga bata sa isang lungsod sa Nagano Prefecture, gitnang Japan.

Ang anim na mga hot air balloon ay lumipad mula sa lungsod ng Saku noong Sabado. Isang lokal na balloon club ang nago-organize ng event kada taon.

Sa taong ito ay nadagdagan ang bilang ng mga balloon upang hikayatin ang mga residente na suportahan ang mga nasalanta ng baha na sanhi ng Bagyong Hagibis noong Oktubre.

Dahan-dahang lumilipad ang mga lobo na halos may taas na 40 metro mula sa lupa.

Ang isang batang babae na nasa ikalawang baitang ng elementarya ay nagsabing masaya siya dahil nakita na bumaba mula sa langit si Santa Claus.

Source: NHK Worl

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund