Lasing na lalaki, arestado matapos nitong mabangga ang taxi na inagaw.

Lalaking lasing nang-agaw ng taxi sa Lungsod ng Samukawa nuong May 3, arestado.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang 31 anyos na lalaking lango sa alak matapos mabunggo ang taxi na ninakaw nito sa Lungsod ng Samukawa nuong nakaraang linggo, mula sa ulat ng TBS News.

Si Yuhei Nakabara, empleyado ng isang kumpanya at naninirahan sa Hiratsuka City ay ikina-kaila ang mga paratang sa kanya. Ani nito sa mga pulis, “Walang ganyang pang-yayari.”

Ang insidente ay nangyari pasado alas-12 ng gabi nuong ika-3 ng Mayo. Ito ay matapos mag-bayad ni Nakabara ng kanyang pamasahe sa 57 anyos na lalaking taxi driver sa Samukawa Road, matapos niyang lumabas upang mag-inom ay hindi na umano ito umalis mula sa kanyang kina-uupuan.

Isang lalaki ang nang-agaw ng taxi sa Lungsod ng Samukawa nuong ika-3 ng Mayo. (Twitter)

Tinanong umano ng driver kung ano pa ang ginagawa ni Nakabara, bigla umano siyang sinugod ni Nakabara at hinablot ang kanyang leeg. Agad na tumalon si Nakabara sa driver’s seat at saka ihinarurot ang sasakyan.

Bandang 3 km mula sa pinang-yarihan ng pag-agaw ng taxi, huminto ang taxi dahil ito ay bumangga sa bakod ng isang sementeryo.

Ayon sa mga pulis, si Nakabara ay nag-tamo ng light injuries.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund