Isang Pilipino arestado sa pananakit ng kanyang stepson

Tumawag ang biktima sa mga pulis at sinabi ang pananakit na ginawa ng kanyang stepfather

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ang isang Pilipinong lalaki noong Sabado ng gabi Abril 21 sa reklamong domestic violence laban sa kanyang stepson.

Ang Pilipino na kinilalang si Eddie Angelia Bangkas, 33 taong gulang, isang metalworker sa Mizunami Gifu ay hinuli sa loob ng kanyang bahay.

Sinaktan niya diumano ang anak ng kanyang kinakasama. Ang insidente ay naganap sa paligid ng 7:30 p.m. noong Sabado.

&nbspIsang Pilipino arestado sa pananakit ng kanyang stepson
Photo: Image bank

Sinuntok ni Eddie sa likod ng ulo ang 12-taong-gulang na batang lalaki. Tumawag ang biktima sa mga pulis at sinabi ang pananakit na ginawa ng kanyang stepfather. Hinuli naman agad ng mga police ang lalaki.

“Hindi ko nagustuhan ang pag-uugali ng bata kaya sinuntok ko siya,” ito ang katwirang sinabi ng suspect sa istasyon ng pulisya.

Source: Nagoya TV
In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund