Isang nanay ang inaresto sa pag-iwan ng katawan ng bagong panganak na sanggol sa maleta

Inamin ng 36 taong gulang na ina na iniwan niya ang katawan ng kanyang bagong panganak na sanggol.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inamin ng isang 36-taong-gulang na ina na iniwan ang katawan ng kanyang bagong panganak na sanggol sa isang maleta malapit sa kanyang apartment sa Kanagawa Prefecture, sinabi ng pulisya na Linggo.

Iniwan ni Aya Tanaka ang katawan ng kanyang baby girl sa maleta noong Oktubre sa lugar ng kanyang apartment building sa lungsod ng Kawasaki, ayon sa mga pulis.

&nbspIsang nanay ang inaresto sa pag-iwan ng katawan ng bagong panganak na sanggol sa maleta
Inamin ng isang 36-taong-gulang na ina na iniwan ang katawan ng kanyang bagong panganak na sanggol sa isang maleta malapit sa kanyang apartment sa Kanagawa Prefecture (illustrative image)

Isang plumber na nagtatrabaho malapit sa apartment ang nakadiskubre ng isang decomposed na katawan ng isang sanggol sa isang maliit na maleta noong Sabado na may umbilical cord pa na naka-attach, sinabi ng pulisya.

Sinabi ni Tanaka sa police noong siya ay inaresto na nawalan siya ng malay pagkatapos niyang magka-anak at nung magkamalay na siya ay nakita niya ang kanyang anak na wala ng buhay. Sinabi niya na binalot niya ng tuwalya ang sanggol at inilagay sa maleta.

Isinasagawa ng pulisya ang autopsy sa katawan upang siyasatin ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol.

Source: Japan Today, Kyodo
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund