Isang driver ang inasulto matapos buntutan ang minamanehong niyang sasakyan sa Tomei Expressway

Isang lalaki ang pinag-hahanap dahil sa pag-asulto sa isang truck driver.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang 43 anyos na lalaking driver ang nag-tamo ng pinsala matapos siyang pahintuin ng driver ng kotseng bumubuntot sa idina-drive niyang truck nuong Miyerkules.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente bandang alas 2:00 ng hapon sa Tomei Expressway sa Nisshin City sa Aichi Prefecture. Base sa ulat ng Fuji TV pumasok ang truck sa expressway at na pwesto sa unahan ng sasakyan ng isang sasakyan. Nagalit umano ang driver ng nasabing sasakyan at nagsimulang buntutan ang likod ng truck.

&nbspIsang driver ang inasulto matapos buntutan ang minamanehong niyang sasakyan sa Tomei Expressway
Ang insidente ay nangyari sa Tomei Expressway sa Nisshin City sa Aichi Prefecture  (News24)

Lumipat ng slow lane ang truck driver. Ngunit biglang lumipat sa tapat ng truck ang sasakyan ng driver na bumubuntot sa truck, na nag resulta sa biglaang pag-hinto ng truck sa tabi ng kalsada.

Sinabi umano ng driver ng truck sa mga pulis na bumaba ang driver ng sasakyan na sumisigaw na siya umano ay nag-mamadali at siya ay naantala dahil sa biglaang pag sulpot ng truck sa unahan ng kanyang sasakyan. Nagkaroon ng pinsala ang driver ng truck sa kanan tuhod matapos siya salakayin at hampasin ng isang pekeng bakal na espada sa mukha, balikat at binti.

Sa ngayon ay pinag-hahanap na ng mga autoridad ang lalaki na nasa edad na 20 anyos at plano nila itong kasuhan ng attempted murder.

Source: Japan Today
Image: News 24
In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund