Isang lalaki na nag-panggap na babae, pumasok sa paliguan ng mga babae

Lalaking nag-panggap na babae, Kalaboso!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa report ng Yomiuri Newspaper nuong ika-12 ng Enero, hinuli ng mga pulis sa Hokkaido Prefecture ang isang 50 anyos na lalaki dahil sa pag-papanggap na isang babae at pumasok sa pampublikong paliguan ng mga babae sa Sapporo.

Bandang alas-9 ng gabi nuong Miyerkules nang pumasok ang lalaki na naka-suot ng bob-style na piluka at naka make-up. Mahigit 50 minutos na nag-lublob sa tub ang nasabing lalaki.

The man entered the bath while attired in a bob-shaped wig and make-up (ANN/reproduction)

Umamin naman ang lalaking naparatangan ng trespassing at nagsabi na “Marumi ang paliguan ng mga lalaki samantalang magbibigay naman ng katahimikan sa pag-iisip ang paliguan ng mga babae.” ito ay base mula sa imbestigasyon ng mga Sapporo-Nishi Police Station.

Ang lalaki na mayroong 180 cm na taas at bilugan ang pangangatawan, ay gumamit ng pantakip upang takpan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan mula sa iba pang mga kostumer. Ngunit mayroong isang kostumer na napansin na may kakaiba  at kahina-hinala sa nasabing “babae” at ito ay agad na ipina-alam sa pamahalaan ng nasabing pampublikong paliguan.

Gamit ang mataas na tono ng pananalita, ang lalaki ay nagsabi na ” Babae ako!” nuong siya ay kinausap ng pamahalaan ng establishamento at ng mga kapulisan.

Source: Tokyo Reporter
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund