Isang batang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng washing machine

Isang bata natagpuang patay sa loob ng washing machine

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang 5 taong anyos na batang lalaki ang nakitang patay sa loob ng kanilang tahanan sa Sakai, Osaka Prefecture nuong Linggo. Ayon sa mga pulis pinag-hihinalaan namatay sa suffocation ang bata matapos nito mai-lock ang sarili sa loob ng kanilang washing machine.

Base sa nalikom na impormasyon ng Fuji TV sa mga pulis, ang bata ay nakita ng kanyang ama sa loob ng washing machine bandang alas-3 ng hapon nuong Sabado. Agad na tumawag sa 119 ang ama ng bata at na-isinugod sa pinaka-malapit na ospital, ngunit pag-dating sa pagamutan ito ay idiniklara nang patay.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na naka-pasok ang bata sa loob ng washer/dryer machine na mayroong lapad na 70 cm at may lalim na 60 cm, sumara ang pinto nito at na-lock sa loob ang bata. Hindi nabubuksan mula sa loob ang nasabing pintuan. Wala rin naman dumadaloy na tubig sa loob nito.

&nbspIsang batang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng washing machine
(illustrative image)

Ayon sa ulat ng mga pulis, ang ina ng bata ay wala nuong mangyari ang nasabing insidente, samantalang umidlip naman ang bata at ama nito sa kanilang bahay. Nuong magising ang ama ng bata, hindi niya nakita ang kanyang anak kung-kaya’t agad niya itong hinanap sa loob ng kanilang bahay, huli na nuong makita niya ang bata sa loob ng washing machine.

Nuong 2015, isang 7 taong anyos na batang lalaki na namatay sa Tokyo na katulad sa insidenteng ito. Marami na rin na tumawag sa pagawaan ng mga washing machine na itigil ang pag-gawa ng mga washing machine na automatikong nag-lo-lock kapag isinara.

Source: Japan Today
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund