Lalaki arestado, dahil sa pagsuntok umano nito sa ina na nawalan ng malay sa kanyang ika-100 kaarawan

Inamin ni Nozawa ang akusasyon, sinabing nagalit siya nang humiling ang kanyang ina na pumunta sa banyo sa malakas na boses.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arestado, dahil sa pagsuntok umano nito sa ina na nawalan ng malay sa kanyang ika-100 kaarawan

KOBE (Kyodo) — Isang lalaki ang inaresto noong Linggo dahil sa diumano’y pagsuntok sa ulo ng kanyang ina isang araw bago sumapit ang kanyang ika-100 kaarawan, na siyang nag-resulta sa kanya kritikal na kondisyon, sabi ng pulisya.

Si Hiromu Nozawa, 69, ay pinaghihinalaang gumawa ng pananakit sa kanyang ina na si Toshiko sa kanilang tahanan sa Kobe, Hyogo Prefecture, bandang alas-4 ng umaga noong Sabado. Nagdusa ang babae ng acute subdural hemorrhage at nananatiling walang malay pagkatapos ng insidente, sinabi ng pulisya.

Inamin ni Nozawa ang akusasyon, sinabing nagalit siya nang humiling ang kanyang ina na pumunta sa banyo sa malakas na boses.

Ayon sa pulisya, nakatira ang dalawa, at si Nozawa ang nag-aalaga sa kanyang ina. Tumawag siya ng ambulansya noong Sabado ng hapon matapos mapansin ang kalagayan ng kanyang ina kasunod ng pag-atake.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund