Pedestrian, inatake ng lalaking may dalang espada sa Kanagawa

May isang tumawag sa 110 at nag-sabi na may lalaking duguan mula sa tinamong pinsala sa ulo matapos atakihin ng isang lalaking may dalang espada sa kalye.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPedestrian, inatake ng lalaking may dalang espada sa Kanagawa

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-5:30 ng hapon, ini-ulat ng Kyodo News na may isang tumawag sa 110 at nag-sabi na may lalaking duguan mula sa tinamong pinsala sa ulo matapos atakihin ng isang lalaking may dalang espada sa kalye.

Ang biktima ay nasa kanyang 50s, ay agad namang dinala sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor na ang pinsala niya sa ulo ay hindi naman delikado. Ani ng mga pulis, sinabi umano ng biktima na nahiwa niya ang sarili gamit ang kutsilyo, ngunit wala namang kutsilyong natagpuan.

Ang lalaking suspek ay tumakas mula sa lugar. Pinag-aaralan na ng mga pulis ang street surveillance camera footage upang subukang kilalanin ang suspek. Kasalukuyang tinatanong ng mga pulis kung ano ang relasyon ng biktima sa suspek.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund