Lalaki arestado, matapos ang isang fatal hit-and-run na insidente sa Niigata

Ani pa ng mga pulis, si Sasaki na malapit lamang ang tirahan ay itinatanggi ang alegasyon laban sa kanya at sinabi niya na wala siyang maalala na may nabanggang tao gamit ang kanyang sasakyan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arestado, matapos ang isang fatal hit-and-run na insidente sa Niigata

Niigata– ayon sa pahayag ng mga pulis sa lungsod ng Niigata, inaresto nila ang isang 51 anyos na lalaki sa kasong dangerous driving resulting in death, matapos mabangga at mapatay ng minamaneho niyang sasakyan ang isang 20 anyos na lalaki.

Ayon sa lokal na pahayagan, ang insidente ay naganap bandang alas-10:40 ng gabi nuong Sabado. Ayon sa mga pulis, si Akira Sasaki, isang empleyado sa kumpanya ay inaakusahang naka-bangga kay Yoshihisa Kumagaya habang ito ay tumatawid sa kalsada, at hindi umano huminto ang drayber.

Isang saksi ang tumawag sa 119. Agad na isinugod sa ospital si Kumagaya kung saan ito binawian ng buhay bandang alas-11:30 ng gabi sanhi ng malubhang pinsala sa ulo.

Ani pa ng mga pulis, si Sasaki na malapit lamang ang tirahan ay itinatanggi ang alegasyon laban sa kanya at sinabi niya na wala siyang maalala na may nabanggang tao gamit ang kanyang sasakyan.

Sinabi ng mga pulis na ang sasakyan ni Sasaki ay natukoy matapos suriin ang surveillance camera footage sa kalsada.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund