Isang guro arestado, dahil sa umano’y pang-aabuso

Ipinahayag ng pulis na umamin si Morisaki sa mga alegasyon laban sa kanya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-2:10 ng madaling araw nuong Linggo sa Susaki, Kochi Prefecture, ulat ng isang lokal na media. Si Hayato Morisaki ay inakusahan ng sexual assault sa isang babae na nasa edad na 20, at hindi niya kilala.

Sinabi ng babae sa mga pulis na siya ay nag-lalakad pauwi ng bahay nang nilapitan siya ng kotse ni Morisaki at nangungulit na siya ay tinatawag mula sa loob ng kanyang sasakyan. Pinilit umano siya ipinasok sa sasakyan ng suspek at dinala sa isang parking lot kung saan siya minolestiya nito sa pamamagitan ng pag-hipo nang ilang beses sa loob ng sasakyan.

Matapos siya pakawalan ng suspek, nilista nito ang plaka ng sasakyan at saka tumawag sa pulis.

Ipinahayag ng pulis na umamin si Morisaki sa mga alegasyon laban sa kanya.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund