63 anyos na lalaki arestado, dahil sa paninipa at panununtok sa isang babae

Matapos ang pang-aasulto, ang ginang ay tumawag sa mga pulis at nag-sabi na ang kanyang lalaking kaibigan ay nasaktan siya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp63 anyos na lalaki arestado, dahil sa paninipa at panununtok sa isang babae

SHIMANE– inaresto ng mga pulis ng Izumo, Shimane Prefecture ang isang 63 anyos na lalaki sa suspisyong pang-aasulto matapos nitong buntalin at sipain ang isang ginang na nasa kanyang 60s nang ilang beses sa tiyan.

Ayon sa pahayag ng mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas-7 ng gabi nuong ika-22 ng Hulyo sa tahanan ng lalaki. Ayon sa ulat ng lokal na mamamahayag, nagkaroon ng bali sa tadyang ang biktima na aabot hanggang 6 na linggo ang pag-papagaling, ani ng mga pulis.

Matapos ang pang-aasulto, ang ginang ay tumawag sa mga pulis at nag-sabi na ang kanyang lalaking kaibigan ay nasaktan siya. Ayon sa mga pulis, itinatanggi ng lalaki ang mga alegasyon laban sa kanya at nag-sabi pa ito na “hindi ko naaalala na ginawa ko ang ganyan.”

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund